Home NATIONWIDE Visayas grid muling isinailalim sa yellow alert

Visayas grid muling isinailalim sa yellow alert

16
0

MANILA, Philippines – Muling isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente ngayong Martes, Hunyo 2.

Inilagay ng National Grid Corp. of the Philippines ang Visayas grid sa ilalim ng yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Ito ay dahil sa pananatiling offline ng ilang major coal power plant at bigong makapaghatid ng kinakailangang suplay na tutumbas sa mataas na demand.

Sinabi ng Department of Energy nitong Lunes na dalawa sa coal facilities ang magbabalik sa commercial operations pagsapit ng Agosto.

Hanggang nitong Martes ng umaga, ang available capacity ay nasa 2,542 megawatts (MW), habang ang peak demand ay 2,412 MW.

Ang yellow alert ay iniisyu kapag ang operating margin ay kulang para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here