Home NATIONWIDE Visayas grid, yellow alert ulit!

Visayas grid, yellow alert ulit!

71
0

MANILA, Philippines — Isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid nitong Martes, matapos magbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente sa rehiyon.

Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na epektibo ang yellow alert mula 4 p.m. hanggang 8 p.m. nitong Martes.

Ayon sa grid operator, sanhi ng sitwasyon ang hindi pag-operate ng tatlong pangunahing coal-fired power plants sa Visayas, kung saan dalawa sa mga ito ay naka-offline mula pa noong unang bahagi ng Mayo. May ilan ding power facilities na nag-o-operate sa derated capacities, na nagresulta sa 874.1 megawatts (MW) na hindi magagamit na kapasidad.

Batay sa datos noong 10 a.m., nasa 2,664 MW ang available capacity habang 2,483 MW ang peak demand.

Patuloy na pinangangambahan ang katatagan ng suplay ng kuryente sa rehiyon, kasabay ng mga naunang babala na maaaring makaapekto rin ang El Niño sa kondisyon ng power supply. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here