MANILA, Philippines – Inisyuhan ng show-cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang isang vlogger na sangkot umano sa road rage at reckless driving.
Sa pahayag nitong Lunes, Enero 26, sinabi ng LTO na ang vlogger sa nag-viral na video sa social media “intentionally driving close to another vehicle.”
Lumabas pa sa sasakyan ang vlogger sa stoplight, nilapitan ang isa pang sasakyan at “made inappropriate remarks toward its driver.”
Bilang resulta, inatasan ang vlogger na humarap sa LTO at ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat panagutin sa reckless driving at pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Inatasan din ang vlogger na isuko ang kanyang driver’s license matapos matanggap ang show-cause order.
Inilagay na sa alarma ang sasakyang sangkot sa insidente.
Kasunod ng insidente, nagbabala si LTO Chief Asec. Markus Lacanilao laban sa “arrogant behavior,” at sinabing hindi lamang ito paglabag sa batas-trapiko kundi mapanganib din sa kalsada. RNT/JGC