MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 1.4 milyon ang voter registrants para sa 2025 barangay at Sangguniang Kabataan eletions, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).
Base sa datos mula sa Comelec, kabuuang 1,452,060 indibidwal ang nagparehistro para makaboto sa BSKE hanggang nitong Huwebes, Agosto 7.
Naitala ng Rehiyon IV-A (Calabarzon) ang pinakamataas na bilang ng rehistrasyon na may 184,683. Sinundan ito ng Region III (Central Luzon) na may 154,551; Region V (Bicol) na may 114,051; at ang National Capital Region na may 111,979.
Samantala, 10,418 voters applications ang natanggap ng Special Registration Anywhere Program (SRAP) sites sa Metro Manila.
Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang pagpaparehistro ng botante para sa 2025 BSKE ay “ang pinakamatagumpay na pagpaparehistro ng botante sa kasaysayan,” dahil naitala nito ang pinakamaraming bilang ng mga pagpaparehistro sa pinakamaikling panahon.
Nagsimula ang 10-araw na pagpaparehistro ng botante sa buong bansa para sa 2025 BSKE noong Biyernes, Agosto 1 at magpapatuloy hanggang Agosto 10.
Nauna nang sinabi ng Comelec na nilalayon nitong magparehistro ang isang milyong botante sa panahon ng pagpaparehistro.
Maatapos maabot ang target sa loob lamang ng limang araw na pagpaparehistro, itinaas ito ni Garcia sa 1.5 milyon na voter registrants.
Sinabi rin ng poll body na walang extension para sa BSKE voter registration period. Jocelyn Tabangcura-Domenden