Home NATIONWIDE Voters registration ipagpapatuloy sa Oktubre -Comelec

Voters registration ipagpapatuloy sa Oktubre -Comelec

312
0

MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy ang voter registration sa Oktubre kasunod ng pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE), sinabi ng Commission on Elections kasunod ng paglagda ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagpapaliban nito sa Nobyembre 2026.

Inilunsad ng Comelec ang voter registration noong Agosto 1 hanggang 10 para sa BSKE kung saan 2.8 milyon botante ang nagparehistro.

Ayon kay Garcia, ang hakbang sa iskedyul ng BSKE ay dahil sa bagong itinakdang termino na apat na taon para sa mga opisyal ng barangay at SK.

Binanggit ni Garcia na ang pagsasaayos sa BSKE ay magkakabisa pagkatapos ng 15 araw ng pagkakalathala sa mga pahayagan o Official Gazette ngunit maaring idulog ito sa Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here