Home NATIONWIDE VP Sara dadalo sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu

VP Sara dadalo sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu

MANILA, Philippines- Kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Vice President Sara Duterte na dadalo siya sa opening ceremony ng 2024 Palarong Pambansa.

“Yes, opo. Present ako sa Palarong Pambansa,” pahayag ni Duterte.

Kasado ang taunang national games, kung saan Cebu City ang host ngayong taon, mula Hulyo 9 hanggang 16.

Sinabi rin ni Duterte na dadalo rin siya sa National Learners’ Convergence, National Learning Camp, at Brigada Eskwela.

Noong Hunyo 19, nagbitiw si Duterte bilang DepEd chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Co-Vice Chairperson, epektibo sa Hulyo 19, 2024.

Hindi pa pinapangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kahalili. RNT/SA