Home HOME BANNER STORY VP Sara: Gobyerno, change tactics na para pabagsakin ako

VP Sara: Gobyerno, change tactics na para pabagsakin ako

1
0

MANILA, Philippines — Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang gobyerno ng umano’y pagbabago ng taktika upang pabagsakin siya, kasunod ng mga ulat hinggil sa nabigong pagpupuslit ng P3.5 bilyong halaga ng shabu mula Laos patungong Pilipinas.

Ayon kay Duterte, tila inililipat na umano ng pamahalaan ang usapin sa national security at iniuugnay sa kanya ang magkakahiwalay na isyu, kabilang ang isang negosyo na sinasabing may Chinese funding at ang nasabat na droga sa Laos.

“But what evidence does the government have to substantiate these sweeping accusations? None that has been convincingly presented,” ani Duterte.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang ang politikong umano’y sangkot sa tangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu mula Laos. Gayunman, kalaunan ay nilinaw ni Remulla na walang nakikitang koneksiyon ang pamilya Duterte sa naturang shipment.

Tinawag din ni Duterte na “desperation” ang pagkalat ng dokumentong nagsasabing mayroon umano siyang travel authority patungong Laos, na ayon sa kanya ay tila fabricated at hindi sinuportahan ng credible evidence.

Iginiit ng bise presidente na wala umanong matibay na basehan ang mga alegasyong iniuugnay sa kanya at muling nanawagan sa gobyerno na “start working and stop politicking.”

Wala pang tugon ang Malacañang sa mga bagong pahayag ni Duterte sa oras ng paglalathala ng ulat. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here