Home NATIONWIDE VP Sara hinikayat mga Pinoy na buhayin diwa ng bayanihan ngayong Chinese...

VP Sara hinikayat mga Pinoy na buhayin diwa ng bayanihan ngayong Chinese New Year

163
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na harapin ang takot at kumilos nang may tapang kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa kanyang Lunar New Year message, binati niya ang Filipino-Chinese communities sa buong mundo at hinikayat ang mga ito na buhayin ang diwa ng bayanihan.

“As we welcome the Year of the Fire Horse, let us embrace this beginning with courage. This is a year of high energy and bold action—offering big rewards for those with the courage to take them,” ani Duterte sa isang video message.

“Now is the time to ignite the spirit of bayanihan and charge forward into a new year of possibilities. Together, let us strive for growth,” dagdag pa niya.

Umaasa rin ang Bise Presidente na magdadala ang bagong taon ng kasaganaan, mabuting kalusugan, at kapayapaan sa bawat tahanan.

“Magkaisa tayong itaguyod ang isang mas maunlad at masaganang Pilipinas para sa lahat. Gong Xi Fa Cai,” ani Duterte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here