Home HOME BANNER STORY VP Sara may patama kay PBBM: Nagpapanggap lang na mabuting lider

VP Sara may patama kay PBBM: Nagpapanggap lang na mabuting lider

109
0

MANILA, Philippines – Nagpasaring si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsasabing nagpapanggap lamang itong mabuti upang hindi maikumpara sa kanyang ama.

Sa isinagawang rally sa harap ng International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands nitong Sabado, Hulyo 19, nagbigay ng pahayag si Duterte sa mga alegasyon tungkol sa Pangulo bilang isang “weak leader.”

“At ito opinyon ko lang dahil marami talaga nasasabi na weak leader siya. Hindi siya weak leader, nagkukunwari lang siyang mabait. Nagkukunwari siya na mabait. Gusto niya ipakita sa lahat ng mga tao na mabait ako,” ani Duterte.

“Ang basa ko sa kanya, gusto niyang ipakita na mabait siya na Marcos. Hindi siya tulad noong kanyang tatay, hindi siya yung Marcos na diktador,” dagdag pa niya.

Iginiit din ni Duterte kung paano sinasabi ni Marcos na wala umano itong isyu sa kanya ngunit ni minsan ay hindi sinuportahan ang kanyang mga proyekto at programa.

“Pero dahil presidente ka, manggagaling pa rin sa iyo ang utos. Dahil lahat yan, ma’am, alam ko na yan. Alam ko ang trabaho sa gobyerno. Lahat yan magtatanong, may approval ba ito ni Inday Sara? Hindi gagalaw yan kung walang approval yan ng ulo.”

Binatikos din ng Bise Presidente ang administrasyong Marcos na wala pa umano itong big-ticket infrastructure project sa tatlong taon ng pagka-Pangulo nito.

“Tapos na itong administration na ito, midterm na sila. Tatlong taon na ang lumipas pero wala pa rin tayong nakita,” aniya.

Si Duterte ay nasa The Hague hanggang Hulyo 23. Sinamahan siya sa naturang rally nina
Senador Robin Padilla at kapatid na si BB Gandanghari, at Atty. Jimmy Bondoc. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here