Home NATIONWIDE VP Sara nangunguna sa 2028 survey; agwat kay Leni, lumiit

VP Sara nangunguna sa 2028 survey; agwat kay Leni, lumiit

134
0

MANILA, Philippines – Nananatiling nangunguna si Vice President Sara Duterte sa hypothetical 2028 presidential race, habang lumalapit na si Naga City Mayor Leni Robredo, batay sa pinakabagong OCTA Research survey na inilabas nitong Lunes.

Sa Tugon ng Masa Q1 2026 survey (Marso 19–25), nakakuha si Duterte ng 46%, habang si Robredo ay may 35%. May 19% naman ang undecided.

Ayon sa survey, mas lumiit ang agwat kumpara sa mga nakaraang resulta kung saan umaabot sa 20–30 puntos ang lamang ni Duterte.

Sa rehiyonal na datos malakas si Duterte sa Mindanao (88%) at Visayas (53%), ngunit mas mataas naman si Robredo sa NCR (52%) at Balance Luzon (47%)

Ayon sa OCTA, si Duterte ay may malawak na suporta sa Visayas at Mindanao, habang si Robredo ay malakas sa mga vote-rich na lugar tulad ng Metro Manila at Luzon.

Sa socioeconomic classes, nangunguna si Duterte sa lahat ng grupo, habang si Robredo ay mas malakas sa Class ABC at Class D ngunit humihina sa mas mababang income groups.

Ayon sa OCTA, maaaring maapektuhan pa ng 19% undecided voters ang resulta, kaya’t nananatiling bukas at kompetitibo pa ang laban.

Sinabi rin ng OCTA na ito ay isang “hypothetical early-stage” survey at hindi pa prediksyon ng aktwal na resulta ng eleksyon sa 2028. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here