Home NATIONWIDE VP Sara ngayong Independence Day: Pakikibaka ng ating mga ninuno para sa...

VP Sara ngayong Independence Day: Pakikibaka ng ating mga ninuno para sa kalayaan, gunitain

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules ang publiko na gunitain ang kabayanihan ng mga ninuno ng bansa sa pagdiriwang ng bansa sa ika-126 taon ng kalayaan.

Sa kanyang talumpati sa seremonya sa Davao City para sa pagdiriwang ng Independence Day, sinabi ni Duterte na ang nararanasang kalayaan ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay resulta ng pagsisikap ng mga ninuno upang ipaglaban ang kanilang karapatan at pamunuan ang Pilipinas bilang isang malayang bansa.

“Today we are gathered to commemorate 126 years of sovereignty, as well as to honor this great legacy left to us by our forefathers who displayed true courage, bravery, and patriotism,” pahayag niya.

“On Independence Day, we do not only celebrate our liberation but also place emphasis on the importance of remembering the adversities we have overcome and the ideals we fight for.” 

Sa hiwalay na mensahe, sinabi ni Duterte na ipinaaala ng  Independence Day sa mga Pilipino na patuloy na magtulungan at magkaisa para sa matatag, mapayapa, at masaganang Pilipinas.

Pinangunahan din ng Bise Presidente ang flag-raising ceremony at wreath-laying ceremony sa Rizal Park sa Davao City. RNT/SA