Home NATIONWIDE VP Sara sa pagtanggi ni Digong na kakandidatong senador: ‘That remains to...

VP Sara sa pagtanggi ni Digong na kakandidatong senador: ‘That remains to be seen’

111
0

MANILA, Philippines- Bagama’t pinabulaanan ng kanyang ama ang planong tumakbo para sa Senado sa 2025, sinabi ni Vice President Sara Duterte na “that remains to be seen” dahil maaari pang magkaroon ng pagbabago sa paghahain ng kandidatura.

“Sabi nila? Well, that remains to be seen kasi nga sabi ko ‘di ba, wala pa naman ‘yung filing of candidacies. So hindi natin alam kung sino ‘yung mga tatakbo for senators sa midterm elections,” pahayag ni Duterte sa isang ambush interview nitong Huwebes.

“At saka, by my experience, up to the last minute, nagbabago ang decision ng mga tao. Kaya hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. ‘Yan ang lagi kong sinasabi,” patuloy niya.

Noong Hunyo, sinabi ni Vice President Duterte na kakandidato ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawang kapatid na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Representative Paolo Duterte sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Subalit, noong Hulyo, itinanggi ng dating Pangulo na tatakbo ito para sa pwesto sa Senado.

“Maniwala kayo kay Inday? I-jamming ka niyan nang husto lalo na pag balabag ang mga tanong, sagutin ka ng balabag niyan,” pahayag niya sa isang press conference sa Davao City.

“Saan ka makakita dito, tatay pati dalawang anak magtakbo [sa Senado],” dagdag niya, at sinabing hindi siya babalik sa politika dahil tapos na umano siya rito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here