Home NATIONWIDE Wala pang Pinoy na naiulat na nasaktan sa kaguluhan sa Lebanon –...

Wala pang Pinoy na naiulat na nasaktan sa kaguluhan sa Lebanon – DFA

181
0

MANILA, Philippines – Wala pang Pilipinong naiulat na nasaktan matapos ang kamakailang pag-atake ng Israeli sa Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nang tanungin kung ilang Pilipino ang naapektuhan ng tumataas na tensyon sa Lebanon, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na may humigit-kumulang 100 Pilipino na nakatira malapit sa hangganan kung saan nagkasagupaan ang mga puwersa ng Israeli at Hezbollah.

“Meron malapit doon yung UNIFIL, United Nations Interim Force in Lebanon, may isang medical worker na Filipina pero protected naman ng UN,” dagdag pa ni de Vega.

“Malapit doon sa border, maybe an hour away, kilometer away, may mga southern cities —Tyre, Sidon, Nabatieh. Yung mga yan, may isang daang Pilipino ang estimate ng embahada at nananawagan sila na lumipat although depende rin yan sa amo nila,” aniya pa.

Mayroong humigit-kumulang 12,000 Pilipino sa buong Lebanon, ayon kay De Vega.

May kabuuang 356 na Pilipino ang naiuwi na habang mahigit 700 ang naghihintay pa rin ng repatriation habang nakabinbin ang kanilang exit clearance, ayon sa DFA.

Nitong weekend, naglabas ng advisory ang Philippine Embassy sa Lebanon para sa mga Filipino citizen sa Lebanon na umalis kaagad ng bansa habang bukas pa ang airport.

Pinayuhan ng Embahada ang lahat ng Filipino nationals sa Lebanon na unahin ang kanilang kaligtasan at umalis ng bansa “sa lalong madaling panahon.”

Para sa mga hindi makaalis sa Lebanon, hinimok sila ng DFA na lumikas sa mas ligtas na mga lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here