Home HOME BANNER STORY Walang balak: Gobyerno, ‘di popondohan AI hub sa New Clark City –...

Walang balak: Gobyerno, ‘di popondohan AI hub sa New Clark City – BCDA

2
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ang government resources para sa panukalang Clark Advanced Manufacturing Park ay direktang mapupunta sa pagtugon sa social concerns o panlipunang alalahanin ng mga komunidad kaysa sa pondohan ang industrial development.

Sa Senate hearing, sinabi ni BCDA President at Chief Executive Officer Joshua Bingcang na ang kontribusyon ng ahensiya sa planong 1,600-hectare development sa New Clark City ay limitado una sa lahat ay sa lupa.

“Kung sa 1,600 po, nakikita namin wala po. Puprovide lang po ‘yung lupa,” ang sinabi ni Bingcang nang hingan ng paglilinaw Senator Bam Aquino ukol sa kung ang BCDA ay maglalaan ng government funding o resources.

Sa ngayon, sinabi ni Bingcang na hindi nito nakikita ang ahensiya na popondohan ang industrial hub.

“Ang BCDA po, wala pong participation on the financing po,” aniya pa rin.

Sa halip ani Bingcang, ang resources ng ahensiya ay gagamitin para tugunan ang mga hinaing ng komunidad sa loob ng development area, matapos na banggitin ni Aquino ang situwasyon ng mga residente, magsasaka at indigenous people.

“Yun po ‘yung pondo namin to address po ‘yung social concerns ng area,” ang pahayag ni Bingcang.

Ani Bingcang, maaari nang tukuyin ng BCDA ang ‘metes and bounds’ ng development area, subalit ang specific plans sa loob ng property ay ihahanda ng mga investors at subjected sa regulatory approval.

Habang ang iba ay mayroon ng pinlanong overall development ng lugar, sinabi ni Bingcang na “the investor-specific blueprint would come later.”

Aniya, “under BCDA’s usual business arrangements, investors are normally given six months after the signing of a contract to submit their detailed development plans.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here