Home OPINION WALANG BINATBAT KAHIT SA KUTO AT IPIS

WALANG BINATBAT KAHIT SA KUTO AT IPIS

272
0

SA social media, lalo na sa Facebook, may mga kakatwang survey na nagsisilabasan.

Ito’y survey o mga tanong sa netizens, halimbawa, kung sino ang kanilang sinusuportahang personalidad sa gitna ng mga isyung nakasusulasok ngayon sa ating bansa.

Ano bang mga nakasusulasok na isyung ito? Ito ay ang garapal na nakawan sa gobyerno sa pamamagitan ng mga bogus na flood control projects, pagtatakip ng gobyerno sa kurakutan at sa mga kawatan at sa mabagal na aksyon ng pamahalaan para mabigyan ng hustisya ang taumbayan laban sa mga mandarambong na mga politiko.

Hanggang ngayon, patuloy na nakalalaya ang malalaking sangkot sa pagnanakaw sa bilyon-bilyong salapi ng bayan.

Nangako ang gobyerno na may makukulong na raw bago mag-Pasko ngunit naniniwala ang taumbayan na mga “dilis” lamang at hindi “malalaking isda” o “malalaking buwaya” ang maikukulong sa usapin ng flood control anomalies

Kaya nga sa inis at galit ng taumbayan, nakaiisip o nakagagawa sila ng mga bagay na “kakuwelahan” upang mailabas ang kanilang sama ng loob sa gobyerno.

Aba’y mantakin ba namang ikumpara ang mga kasalukuyang opisyal ng ating gobyerno sa mga ipis at kuto at maglabas ng survey kontra sa mga pesteng ito. Sabi nga, peste laban sa mga peste.

May kunwari’y survey kay dating House Speaker Martin Romualdez kontra ipis kung sino ang iboboto ng netizens sa 2028 presidential elections. Aba’y naku, kahit pala sa ipis ay lumitaw na wala nang kapana-panalo si Romualdez. Ibig sabihin, ayaw na talaga sa kanya ng taumbayan. Bwar, har, har!

Maging si Pangulong Marcos, Jr. ay ginawaan din ng survey. Itinapat siya laban sa kuto. Aba’y kamote ang inabot ni PBBM gaya ni Martin. Mas gusto pa ngayon ng mga tao sa kuto kaysa kay Marcos. Ang gusto nilang mangyari ngayon kay Marcos ay tirisin hanggang sa maglaho na sa mundo. He! He He!

Ito ay mga kaaliw-aliw at kakatwang pangyayari ngayon na matutunghayan natin sa social media.

Mga nakaririmarim na katatawanang ginagawa para maisigaw ng taumbayan ang kanilang protesta sa sobrang galit sa kawalang hustisya laban sa mga buwitre at buwaya sa gobyerno ni Dayunyor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here