Home OPINION WALANG DAPAT TIBAGIN SA TESTIMONYA NI NBI DIR. MATIBAG

WALANG DAPAT TIBAGIN SA TESTIMONYA NI NBI DIR. MATIBAG

1
0

INAMIN ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibay na wala siyang personal na kaalamanan sa imbestigasyon ng NBI sa kaso ni Vice President Sara. Tama naman iyon dahil hindi pa siyabahagi ng NBI noon.

Kaya nga pwede siyang tumestigo? Oo naman, pero tama ang defense lawyer na si Atty. Mark Vinluan na ang testimony niya ay dapat hanggang doon lamang sa FACTS WHICH HE KNOWS OF HIS PERSONAL KNOWLEDGE; THAT IS WHICH ARE DERIVED FROM HIS OWN PERCEPTION (Rule 130 sec 22, Revised Rules of Evidence)

Abogado rin si Matibag kaya alam niya yan pero nakalimutan lang niya kaya nag-request siya sa defense lawyer to refresh him of the Rule.

Ibig sabihin ang testigo ay maari lamang magbigay ng testimonya sa hukuman kung mayroon siyang personal na kaalamanan base sa kanyang nakita, narinig , naamoy, at iba pa.

Hindi pwede yung ” SABI, SABI LAMANG.”

Dahil inamin niya na wala siyang personal knowledge sa mga sinabi niya UNDER OATH, ay walang bigat ang pinagsasabi niya at hindi dapat pagbatayan ng hatol.

Ang maaari lamang makuha sa sinabi ni Matibag ay base sa kanyang mga nabasa nang siya na ang NBI director at nalaman niya na nagkaroon ng imbesigasyon sa kaso ni VP Sara.

Pero maaari pa sanang maisalba ng prosekusyon ang testimonya ni Matibag kung maipapakita nilang ito ay pumapasok sa alinman sa mga exception sa Hearsay Rule. Bahala na ang prosekusyon kung paano nila ito gagawin. Ngunit matapos ang cross-examination kay Matibag, kung saan inamin niyang “HE HAS NO PERSONAL KNOWLEDGE,” hindi naipakita ng prosekusyon na ang kanyang testimonya ay saklaw ng alinman sa mga exception sa Hearsay Rule.Kung si Matibag na ang huling testigo at wala ng ebidensya pang madadagdag sa unang impeachment article na nililitis ay mukhang kulang ang ebidensiya para ma convict si VP Sara sa impeachment article na ito.

Ang aabangan natin ay ang ebidensya ng depensa. Kung sa tingin nila ay kailangan pa nila magprepresinta ng testigo.

Ganoon pa man, alam naman natin na ayon sa isang survey mas maraming pilipino ang naniniwala na hindi lang ebidensya ang pagbabatayan ng mga senator judges sa paghatol nila kay VP SARA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here