MANILA, Philippines – Walang nanalo ng jackpot prizes para sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Hunyo 2, 2026.
Ito ay matapos walang makahula ng tamang winning combination na 18-16-37-13-35-23 para sa Lotto 6/42, na may jackpot prize na P11,344,599.30.
Hindi rin nakuha ang P25,000,000 jackpot prize ng Superlotto 6/49 matapos walang makahula ng tamang numero na 36-27-05-14-40-08.
Nananatili rin ang P75,000,000 jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 dahil wala pang nakakakuha ng tamang kombinasyon ng numero na 39-36-12-41-04-20. RNT/JGC