MANILA, Philippines – Dumipensa si House Majority Leader Ferdinand “Sandro” Marcos sa mga puna na ang kanyang inihaing panukalang “no work, no pay” policy para sa mga mambabatas ay tumatarget sa ilang personalidad.
Giit ni Marcos, ang tanging layunin nito ay itaas ang kalidad ng trabaho sa House of Representatives.
“I’m not singling anyone out. I think this is just the right step forward for the legislature as an institution,” paliwanag ni Marcos nang hingan ng reaksyon.
Ipinaliwanag nito na layon tugunan ng panukala ang matagal nang problema sa mga mambabatas na hindi madalas nakikita sa plenary at iba pang legislative works.
“It’s no secret that there have been cases of absenteeism and people not showing up to committee hearings or joining debates on the floor,” ani Marcos.
Aniya, kailangan ng aktibong partisipasyon ng mga mambabatas para maging mabilis ang pag-usad ng mga binabalangkas na batas.
“And you know, generally, the more people debate on legislation, the better quality legislation is produced. So really, we’re just trying to make sure that the best laws are passed for the Filipino people,” paliwanag nito.
Si Marcos ang pangunahing may akda ng House Bill (HB) No. 7432, o “No Work, No Pay for Members of Congress Act.”
Layon nito na ang sweldong natatanggap ng mga mambabatas ay nakadepende sa kanilang attendance at partisipasyon sa mga plenary sessions, committee hearings at iba pang official legislative duties. Gail Mendoza