Home NATIONWIDE Walang rekord ng Mary Grace Piattos – PSA

Walang rekord ng Mary Grace Piattos – PSA

184
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang rekord sa kanilang database ng pangalang “Mary Grace Piattos”.

Sa liham ng PSA kay House Committee on Good Government and Accountability Chairman Rep. Joel Chua sinabi ni National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa na walang Mary Grace Piattos sa certificate of live birth (COLB), certificate of marriage (COM) at certificate of death (COD) sa kanilang database.

Matatandaan na una nang nag-alok ang komite ng P1-million reward para sa anumang impormasyon ukol sa isang “Mary Grace Piattos,” na ang lagda ay nakita sa mga acknowledgement receipts para sa confidential funds ng Office of the Vice President.

Una nang itinanggi ni Vice President Sara Duterte na wala syang nakitang mga acknowledgement receipts para sa confidential na may pangalang “Mary Grace Piattos” ngunit inilahad ng Commission on Audit(COA) na ang ilang lagda na nakita nila ay mula sa ibat ibang pangalan at isa sa kontrobersiyal ay ang pangalang Piattos. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here