Home NATIONWIDE Walang rekord ng mga kompanya na nagsara sa wage hike – ekonomista

Walang rekord ng mga kompanya na nagsara sa wage hike – ekonomista

(c) Crismon Heramis l Remate News File

MANILA, Philippines – Wala pang rekord ng mga kompanya at negosyo na nagsara dahil sa pagtataas ng sahod, sinabi ng
ekonomista at dating Department of Social Welfare and Development undersecretary Emmanuel Leyco nitong Miyerkules, Marso 13.

Ang pahayag na ito ay tugon sa pagtutol ng employers’ groups sa panukalang batas na minimum wage hike sa mga manggagawa ng pribadong sektor mula P150 hanggang P750.

“There are no record of closures because of wage increases. There are records of closures not because the wages increased, but because competitiveness of certain businesses, simply, are not sustainable anymore. [Nagsara dahil wala] na pong merkado ang mga produkto, hindi dahil sa nagtaas ang sweldo,” sinabi ni Leyco sa House labor panel.

Aniya, sa open market economy, ang halaga ng produksyon ang nakakaapekto sa produkto, at sakop din ng production cost ang tatlong mahalagang salik, ang lupa, capital at labor.

Sa nabanggit, ang labor cost ang hirap na hirap silang taasan na nakakaapekto sa mga manggagawa.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tanging 6% hanggang 17% ng production cost accounts ay para sa pasahod, habang ang mas malaking bahagdan ay ginagastos sa mga makinarya, raw materials, renta at kita.

“That six to 17% is for compensation alone. If you include the benefits, it could go up to 21%. [So] over the years, the value of land, as well as capital, increased. Ang pinakakulelat, iyong value ng labor,” ayon pa kay Leyco.

Idinagdag pa niya ang datos ng PSA sa mga negosyo at industriya sa Pilipinas na ang total compensation ay lumago lamang ng 1.7%.

“Tumaas po itong inflation hindi dahil sa cost of labor. Tumaas po ito kasi iyong production capacity ng ating ekonomiya ay hindi nakasabay sa pagbukas ng demand ng ating ekonomiya. This happened worldwide, not only in the Philippines, due to us COVID-19 pandemic,” pahayag ni Leyco.

“The value they are asking…P150, P300, P750, pambili lang ng kape ng ating pong mga managers at may-ari ng mga kumpanya. Hindi masasaktan ang may-ari at mga kapitalista sa pagtaas ng presyo [ng sweldo],” giit pa ni Leyco.

“Consumption accounts for 60% to 70% of our economy. If mataas, malaki ang ating purchasing power, mas may oportunidad na palakihin ang merkado, tataas ang ating GDP.” RNT/JGC

Previous articleWalang nanalo sa Grand Lotto, Megalotto sa Wednesday draw – PCSO
Next articleGerman chancellor nagtanong tungkol sa ICC probe sa war on drugs – PBBM