MANILA, Philippines – Walang special treatment para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca nitong Biyernes, Mayo 15.
Ito ay sa kabila ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa sa umano’y crimes against humanity.
Si Aplasca, na naupo sa OSAA kasunod ng pagbibitiw ni retired Air Force Major General Rene Samonte, ay “mistah” ni Dela Rosa sa Philippine Military Academy (PMA).
Sina Aplasca at Dela Rosa ay pumasok sa PMA noong 1982. Si Dela Rosa ay nagtapos noong 1986 habang si Aplasca ay 1987.
Noong Hulyo 2025, ang senador ang nagnomina kay Aplasca bilang Senate Sergeant-at-Arms.
“This is a personal relationship…wala akong kinalaman, hindi ako kasama sa political team ni Sen. Bato,” sinabi ni Aplasca.
“Wala pong special treatment, Ako, bilang Sergeant-at-Arms, gagawin ko ang trabaho ko na naaayon sa batas…Katulad ng sinabi ni Senate President, the Senate will only honor and respect an order of arrest issued by a local judicial authority,” dagdag pa niya. RNT/JGC