Home NATIONWIDE #WalangBiyahe: Ilang biyahe sa dagat suspendido sa ilang lugar sa hagupit ni...

#WalangBiyahe: Ilang biyahe sa dagat suspendido sa ilang lugar sa hagupit ni Rosal

1
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng no-sail policy sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa masamang lagay ng panahon at karagatan na dulot ng Bagyong Rosal.

Sa advisory na inilabas alas-4 ng hapon nitong Oktubre 22, suspendido ang mga biyahe sa dagat sa mga lugar na sakop ng sumusunod na Coast Guard Stations:

Ilocos Norte

Cagayan

Sta. Ana

Calayan

Batanes

Isabela

Aurora

Catanduanes

Suspendido rin ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat na may 250 gross tonnage pababa sa ilang bahagi ng Bicol Region.

Kabilang dito ang Baras at Bato sa Catanduanes.

Sa Camarines Sur, sakop ng suspensyon ang Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena at Caramoan.

Apektado rin ang Paracale, Vinzons, Talisay, Daet at Mercedes sa Camarines Norte.

Nauna nang nagbabala ang PAGASA sa mapanganib na kondisyon ng karagatan dulot ng malalakas na hangin at mataas na alon habang patuloy na kumikilos si Rosal malapit sa Extreme Northern Luzon.

Pinayuhan ng PCG ang mga marino, boat operators at pasahero na makipag-ugnayan muna sa kani-kanilang Coast Guard District, Station o Sub-Station bago bumiyahe.

Maaari ring bantayan ang official social media pages ng PCG para sa pinakahuling maritime safety advisories.

Patuloy namang minomonitor ng Coast Guard ang kondisyon ng karagatan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga sasakyang pandagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here