Home NATIONWIDE #WalangPasok bukas, Nobyembre 3 sa inaasahang bagyo

#WalangPasok bukas, Nobyembre 3 sa inaasahang bagyo

320
0

MANILA, Philippines – Nagsuspinde na ng pasok sa mga paaralan at trabaho ang lokal na pamahalaan ng Panitan at Pilar sa Capiz para bukas, Nobyembre 3 bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Cyclone Tino.

Inanunsyo ng Panitan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang preemptive suspension kasunod ng pinakahuling tropical cyclone advisory mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Layon ng hakbang na ito na bigyan ng sapat na oras ang mga residente na ayusin ang kanilang mga tirahan, makapaghanda o makalikas.

“This suspension provides a critical window for families and communities to prepare and minimize exposure to hazards such as heavy rainfall, flooding, landslides, and strong winds,” saad sa abiso.

Iniulat ng PAGASA na inaasahang tatawirin ng bagyong Tino ang Visayas at lalapit sa Panay Island sa pagitan ng Martes at Miyerkules. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here