Home NATIONWIDE #WalangPasok sa epekto ng Cebu quake

#WalangPasok sa epekto ng Cebu quake

362
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa iba’t ibang bahagi ng Cebu nitong Huwebes, Oktubre 2, dahil sa epekto ng magnitude 6.9 na lindol.

Sa Cebu City, walang pasok ang mga pampublikong kindergarten, elementarya at high school, habang ipinauubaya sa mga administrador ng state universities at pribadong paaralan ang desisyon kung magkakansela.

Nag-anunsyo rin ang College of Technological Sciences at University of Cebu na walang face-to-face classes.

Suspendido rin ang pasok at trabaho sa Bogo City hanggang sa susunod na abiso. Sa Talisay City, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribado hanggang Oktubre 3 para sa inspeksyon ng mga paaralan.

Suspendido rin ang klase at trabaho sa San Remigio, habang kanselado ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Consolacion, Toledo City, at Danao City. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here