Home METRO #WalangTubig sa ilang bahagi ng Antipolo sa Hulyo 4-5

#WalangTubig sa ilang bahagi ng Antipolo sa Hulyo 4-5

MANILA, Philippines – Walang tubig sa ilang bahagi ng Antipolo City sa Hulyo 4 dahil sa nakatakdang line maintenance activity ng Manila Water sa Barangay Mayamot.

Inanunsyo ng water concessionaire sa kanilang mga social media pages na ang water service interruption ay magaganap simula 10 p.m. ng Hulyo 4, Martes, hanggang ika-6 ng umaga ng Hulyo 5, Miyerkules, sa Vermont Park Executive Village Phases 1 at 2, lahat ay matatagpuan sa Barangay Mayamot sa Antipolo City.

Pinapayuhan ang mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig dahil ang pagkaantala ng serbisyo ay inaasahang mangyayari hanggang walong oras. RNT