Home METRO Wanted dahil sa pamboboso, huli

Wanted dahil sa pamboboso, huli

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang 40-anyos na mister na wanted sa kasong 2 ulit na paglabag sa anti-photo and video voyeurism act of 2009.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subppena Section (WSS) hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado na si alyas ‘Rolly’.

Bumuo ng team ang WSS, kasama ang WCPD saka nagsagawa ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-9:20 ng umaga sa Gulayan St., Brgy., Catmon.

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni presiding Judge Misael Madelo Ladaga ng Regional Trial Court-Branch 292, Malabon City noong June 4, 2024, para sa dalawang bilang ng paglabag sa Sec. 4(A) of R.A 9995 Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon police habang hinihingay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. Rene Manahan