Home NATIONWIDE Wanted person ng Parañaque, nadakma ng Caloocan police

Wanted person ng Parañaque, nadakma ng Caloocan police

MANILA, Philippines – SHOOT sa selda ang lalaki na nasa top 4 most wanted person ng Parañaque City matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Jay-Ar”, 27, grab driver ng Navotas City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta dakong alas- 2:00 ng hapon nang maaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan police ang akusado sa manhunt operation sa Samson Road, Barangay 80 ng lungsod.

Ani Col. Lacuesta, dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaime Mendoza Guray ng Regional Trial Court Branch 260, Parañaque City noong March 21, 2024, para sa kasong Statutory Rape (4 counts).

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan