Home NATIONWIDE Wanted sa child abuse, arestado

Wanted sa child abuse, arestado

SWAK sa ikinasang warrant of arrest sa  isang most wanted Persons sa 26 anyos na Nursing Attendant dahil sa kasong paglabag sa Child Abuse Law,  sa mismong selda ng District  Special  Operation Unit(DSOU) ng  Manila Police District  Headquartes sa United Nations Avenue ,Ermita Manila , lunes ng tanghali.

Kinilala ni Police Liuetenant Colonel Alvin Christopher Baybayan,hepe ng DSOU ang suspek na si “David Raven” , binata ng Sto Cristo Street, Tondo Manila.

Ayon kay Police Captain Robert Dato, team lider , bandang 12:40 ng hapon,nang isilbi ang arrest warrant sa binatang akusado

Nabatid sa ulat ng pulisya, na pinangasiwaan ni PLt.Col  Baybayan nagsagawa nang pag aresto ang suspek, sa bisa ng  warrant of arrest na inisyu ni Hon.Francisco  Macapagal Beley , Presiding Judge , family Court third Judicial, Branch 4,  Malolos Bulacan na may petsang April 1, 2024 .

Ayon sa korte, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Anti Child Abuse Law) (RA 7610) Lascivious Conduct Punishable Under Section 5(B) ng RA 7610.

Sa pagtalima ng korte Suprema ,pinag pilian ang cellular phone na ginamit ang “Record Device”sa isang SAMSUNG S24) sa isinagawa ng Police operation .

Dahil dito,utos ng korte na maglaan ng piyansang P200,000.00 para sa pansamantala paglaya ng suspek. – Rene Crisostomo