Home HOME BANNER STORY Web-based systems ng MARINA nakompromiso sa cyber attack

Web-based systems ng MARINA nakompromiso sa cyber attack

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Maritime Industry Authority na nagkaroon ng system breach kasunod ng anunsyo nitong Lunes, Hunyo 17 na apat sa web-based systems nito ay inatake at nakompromiso nitong weekend.

Ayon sa MARINA, nagpadala ito ng tauhan sa central office sa Port Area sa Maynila nang madiskubre ang pag-atake, “to implement expeditious [measures] to ensure the protection of the integrity of the systems.”

Nakikipagtulungan na ang IT team sa Department of Information and Communications Technology-Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC), para imbestigahan ang breach at bawasan ang posibleng epekto ng unauthorized access sa mga pribadong impormasyon.

Umaasa ang ahensya na magiging operational na ang kanilang sistema para makapagproseso ng mga aplikasyon pagsapit ng Martes.

Hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon ang MARINA kung paano nakompromiso ang kanilang sistema, ngunit ang mga naturang data breach ay nagpapataas sa banta ng identity theft at mga scam.

Noong Mayo, matatandaang sinuspinde ng Philippine National Police ang kanilang online services matapos ang data breach sa Logistics Data Information Management System ng PNP at ng Firearms and Explosives Office nito.

Ngayong araw, sinabi ng MARINA na “it commits to strengthen its cyber security protocols to prevent any future cyber attack.” RNT/JGC