Home ENTERTAINMENT Wendell, pahinga muna sa pagiging bumbero!

Wendell, pahinga muna sa pagiging bumbero!

(c) Luisito Santos

Manila, Philippines- By bumbero, literally ay firefighter o fireman ang tinutukoy namin.

In showbiz parlance kasi, ang salitang bumbero ay ginagamit bilang pantukoy sa artistang nagbobomba o naghuhubad.

Sa kaso ni Wendell Ramos, break muna siya bilang volunteer firefighter to give way to his showbiz work.

Kasasagsagan ng pandemya nang sumali raw ang ngayo’y 46 anyos nang aktor sa isang volunteer firemen’s group.

Wala raw sahod ito.

Pero may sense of fulfillment daw na hatid ito para kay Wendell.

Masaya na raw siyang nakakasalba ng mga gamit, bahay at higit sa lahat buhay ng tao sa tuwing rumeresponde sila sa mga lugar na may sunog.

Paglalahad niya, nakikilala lang daw siya ng mga tao pag tinatanggal na niya ang kanyang mask.

Pero hangga’t maaari raw, hindi niya bet na kinukunan siya ng video ng mga nai-starstruck sa kanya.

“Siyempre, kaya nga nandoon ako kung saan may sunog, para makatulong…magserbisyo!” ani Wendell.

Ikinagagalak na raw ng kanyang puso ang mapasalamatan ng mga residenteng tinutulungan nila, “‘Yun ang kasiyahang hinding-hindi matutumbasan ng pera!”

Sa ngayon, since abala siya sa showbiz work ay isinantabi muna niya ang pagiging volunteer firefighter.

But once his schedule permits ay hindi raw siya magdadalawang-isip na bumalik sa pagiging bumbero.

Frontliner nga ang tawag ni Wendell sa kanyang sarili. Ronnie Carrasco III