MANILA, Philippines — Idineklara ng World Health Organization nitong Huwebes na tapos na ang hantavirus outbreak na iniugnay sa cruise ship na MV Hondius matapos makumpleto ng huling natukoy na contact ng isang exposed person ang quarantine at magnegatibo sa virus.
Ayon sa WHO, 13 katao ang nahawa sa outbreak habang tatlo ang nasawi.
Kaugnay ang outbreak sa Andes virus, isang rare hantavirus strain na karaniwang umiikot sa Argentina at Chile.
Umalis mula Argentina ang MV Hondius noong Abril 1. Matapos mailikas ang mga pasahero, ilang crew members, kabilang ang mga Pilipino, ang nanatili sa barko upang dalhin ito sa Netherlands, kung saan dumating ito sa Port of Rotterdam noong Mayo 18 para sa disinfection. Dave Baluyot