Home ENTERTAINMENT Wilbert, naloka sa elec bill; Netizens, nag-react!

Wilbert, naloka sa elec bill; Netizens, nag-react!

Manila, Philippines- Relatable ang hinaing ng manager na si Wilbert Tolentino sa kanyang Facebook account.

Ipinist niya kasi ang kanyang electric bill covering the month of April.

Umabot kasi sa P114,132.00 ang bill niya sa kuryente.

Agad nagpasintabi si Wilbert na huwag daw muna siya kausapin.

Baka raw kasi ang init ng ulo niya’y malunta sa sinomang taong kakausap sa kanya.

Dahil lahat tayo’y nakakaranas ng tindi ng init, kung kaya’t relate ang mga netizens sa hanash ng manager.

Say ng isa, dalawa lang daw sila sa kanilang bahay na kumukunsumo ng kuryente.

Pero ang dapat sana’y mababang bill lang sa kuryente ay “pang-mall”!

Ang isa namang netizen ay obyus na nalalakihan sa bill ni Wilbert to the point na ang halagang P114k+ ay puwede nang ibili kahit mallit na lupa lang.

Yet another netizen thinks na ang nasabing halaga ay katumbas na ng negosyo package.

Sa kabila ng mas maraming umaayon kay Wilbert, meron din namang naligaw na netizen who says na hindi ‘yon dapat panghinayangan ni Wilbert.

Okey na raw singilin siya nang malaki sa kuryente kesa naman ma-heat stroke siya.

Pag nagkataon nga nama’y higit pa sa P114k+ ang tiyak na magagastos ng manager para lang ligtas sa panganib. Ronnie Carrasco III