Home NATIONWIDE Wildlife species nasamsam, 6 Indonesians naaresto sa GenSan

Wildlife species nasamsam, 6 Indonesians naaresto sa GenSan

334
0

MANILA, Philippines – Nakahuli ang awtoridad sa General Santos City ng iba’t ibang uri ng wildlife at inaresto ang anim na Indonesian sa isang pump boat na umano’y galing Indonesia.

Ang operasyon ay isinagawa noong Disyembre 8 matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Nahuli ng pulisya ang dalawang crate ng assorted wildlife, isang crate na may 20 leopard tortoises na tinatayang nagkakahalaga ng P200,000, isang maliit na aviary na may Nicobar pigeon, isang undocumented na motorized boat na tinatayang P60,000 ang halaga, at 21 kahon ng assorted dry goods.

Ang anim na banyaga ay kasalukuyang sinusuri ng Bureau of Immigration at haharap sa kaso sa paglabag sa wildlife at immigration laws.

Patuloy namang hinahanap ang 43 taong gulang na operator ng bangka mula Sarangani. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here