Home NATIONWIDE World-class firing range binuksan ni Cong. Poe sa Philippine Army

World-class firing range binuksan ni Cong. Poe sa Philippine Army

198
0

CAMP RIEGO DE DIOS, TAGUIG CITY – Isang makasaysayang araw para sa Philippine Army Reserve Command (RESCOM) matapos buksan ang bago at world-class na firing range, na magsisilbing sentro ng pagsasanay ng ating mga reserbista tungo sa mas mataas na antas ng kahandaan.

Pinangunahan ang inagurasyon noong Agosto 27, 2025 ni FPJ Panday Bayanihan Partylist Congressman Brian Poe, kasama ang mga opisyal at miyembro ng Army Reserve.

“Hindi lang ito pasilidad, ito ay simbolo ng kahandaan, lakas ng loob, at dedikasyon ng ating mga kawal,” pahayag ni MGEN Ramon P. Zagala, Commander ng RESCOM.

Binigyang-pugay naman si Cong. Brian Poe dahil sa kanyang buong-suportang pagtulong upang maisakatuparan ang matagal nang pangarap na magkaroon ng makabagong firing range para sa mga citizen-soldiers.

“Karapat-dapat lamang na may dekalidad na pasilidad ang ating mga reserbista. Ang firing range na ito ay patunay ng ating pangako na palakasin pa ang kakayahan ng mga Pilipinong handang ipagtanggol ang bayan,” ani Poe.

Matatagpuan ang bagong pasilidad sa 402nd Community Defense Center sa loob ng Camp Riego de Dios, Taguig City, na siyang pangunahing himpilan ng RESCOM. Magiging malaking tulong ito sa patuloy na pagsasanay ng mga reserbista upang manatiling handa sa anumang hamon sa seguridad ng bansa.

Sa seremonya, isinagawa ang pagtatabas ng laso at simbolikong unang putok, hudyat ng panibagong yugto ng modernisasyon ng Army Reserve Command.

Idineklara ng RESCOM: “Ang kinabukasan ng Reserve Command ay narito na, at handa na kami para rito.”

Mabuhay ang Laang Kawal ng Pilipinas! RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here