Home METRO World Immunization Week 2026 sa San Juan, pangungunahan ng DOH

World Immunization Week 2026 sa San Juan, pangungunahan ng DOH

102
0

MANILA, Philippines – Pangungunahan ng Department of Health (DOH) ang selebrasyon ng World Immunization Week 2026 sa Makabagong San Juan Theater sa San Juan City ngayong araw.

Bahagi ito ng pagpapalakas ng National Immunization Program para protektahan ang mga batang Pilipino kontra vaccine-preventable diseases. Tampok sa programa ang ceremonial vaccination, pagpapahayag ng suporta mula sa mga katuwang na ahensya, at pagbisita sa mga interactive booth.

Binigyang-diin ng DOH na ang bakuna ay epektibo at abot-kayang proteksyon, kasabay ng panawagang palawakin ang access sa pagbabakuna lalo na para sa mga batang 0-23 buwan.

Kaisa ito ng global campaign ng World Health Organization sa ilalim ng Immunization Agenda 2030 na layong walang batang maiwan sa bakuna. Ngayong taon, bitbit ang temang “For Every Generation, Vaccines Work” at lokal na panawagang “Bakuna at Proteksyon ni Baby, My Responsibility” na paalala sa tungkulin ng bawat magulang at komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here