Manila, Philippines – Ibang klaseng hotness ang taglay ng newbie sexy actress na si Yasmin Alba.
Kahit baguhan siya sa mundo ng showbiz, marami na agad ang nakakapansin sa kanya dahil sa kakaibang angking kaseksihan ng baguhang aktres.
Ang dalaga ay talent ni Jojo Veloso, si Yasmin ay 22 years old at tubong Mabalacat, Pampanga.
Sa aming unang panayam sa kanya, nabanggit ni Yasmin na bata pa lang ay pangarap na niya ang maging artista.
Aniya, “Yes po, since bata pa lang po ay pangarap ko nang maging artista, pero hindi ko po alam kung paano.
“Then, habang nagkaka-age po ako, puro post ako sa social media ng mga pa-sexy, naka-bikini at lingerie, ganoon po. Kaya naisip kong, why not pasukin ko ang pagpapa-sexy sa VMX?”
Papasukin din ba niya ang sexy movies?
“Yes po, gagawa rin ako ng movie, coming soon po, abangan na lang po ninyo.”
Nalaman din namin na bago sumabak sa showbiz, siya ay isang content creator.
“Content creator po ako ng mga videos sa Instagram and Facebook, but unfortunately yung Facebook ko po ay na-disable. Siguro po dahil sa mga content at sa music.”
Sa aming huntahan recently, nabanggit niya sa amin na may project na siya sa VMX.
“On-going na po, waiting na lang po ako sa photoshoot. Hosting po iyon sa pagkakaalam ko, ang title ay Fresh Meat na parang mapapanood dito ang mga ilang piling scenes sa mga sexy movies sa VMX.”
Usually may co-host diyan, hindi ba?
“Yes po, sa pagkaka-alam ko po ay may kasama akong co-host dito,” matipid na pakli pa niya.
Kapag super-hot ang mga naka-post na photo niya sa socmed o sa Facebook, ano usually ang mga reaction lalo na ng mga kalalakihan?
And dahil ba diyan, nadadagdagan ba ang indecent proposal sa kanya?
Tugon ni Yasmin, “Usually ang mga reaction po, puro good compliments lang naman po, and I don’t engage to any proposal po.”
Pero wala bang nagtangka na mag-alok sa kanya ng mga ganitong proposals? Allergic ba siya sa indecent proposals?
“Hindi po kasi ako interesado sa mga ganyan, focus lang po ako sa career ko sa showbiz. I’m not interested po, hindi ko na lang po pinapansin yung mga ganyan,” seryosong sambit ni Yasmin. Nonie Nicasio