Manila, Philippines – Sa YouTube channel ni Ogie Diaz, natalakay ang tungkol sa isyu na ng isang aktres na kinaimbiyernahan ng netizens nang minsang magpunta sa isang mall.
Pinangalanan din ni Mama Oggs ang sangkot na aktres na si Yassi Pressman.
Ayon sa kuwento niya, marami raw nakapilang car owners noon para makapag-parking sa isang mall nang maganap ang insidente.
Base pa sa nasagap niya, dumating daw ang tatlong itim na sasakyan at sumingit sa pila.
Nawindang daw ang isang mall goer nang nalaman na ang isa sa sakay ng vehicle ay walang iba kundi ang aktres na si Yassi.
Halos wala nga raw itong pasintabi nang bumaba ng kanyang kotse.
Hirit naman ng talent manager turned vlogger, baka raw naman may hinahabol na appointment o date ang aktres kaya di na nito nagawang magpasintabi.
Sa naturang vlog, ipinakita rin niya ang resibo ng mga mensahe ng car owner na nairita sa aktres.
Suspetsa naman ni Mama Oggs, kasama ni Yassi sa kanyang entourage ang mga tauhan ng kanyang dyowang si Camarines Sur Governor Luis Villafuerte.
Anyway, bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Yassi hinggil sa isyu ng paniningit sa parking lot na ibinabato sa kanya. Ronnie Carrasco III