Home NATIONWIDE Yellow alert sa Luzon, Visayas grids, inalis na ng NGCP

Yellow alert sa Luzon, Visayas grids, inalis na ng NGCP

48
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang yellow alerts sa Luzon at Visayas power grids matapos bumuti ang kondisyon ng suplay ng kuryente.

Ayon sa NGCP, inalis ang yellow alert sa Visayas grid dakong 9:50 p.m. noong Mayo 16 matapos tumaas ang available capacity sa 2,650 megawatts (MW), habang nasa 2,353 MW naman ang demand.

Naglalabas ng yellow alert kapag kulang ang operating margin upang matugunan ang contingency requirements ng transmission grid, na nangangahulugang mahigpit ngunit kontrolado pa ang suplay ng kuryente.

Samantala, inalis naman ang yellow alert sa Luzon grid dakong 11:38 p.m. noong Mayo 15. Umabot sa 13,047 MW ang available capacity habang nasa 12,170 MW ang demand.

Ayon sa NGCP, nadagdagan ang kapasidad sa Luzon matapos muling mag-full capacity operation ang ilang power plants.

Batay rin sa datos ng NGCP noong Mayo 16, umabot sa 15,799 MW ang kapasidad ng Luzon laban sa 12,107 MW demand, habang nasa 2,768 MW naman ang available capacity sa Visayas laban sa 2,339 MW demand.

Dahil sa mas mababang konsumo ng kuryente tuwing weekend at dagdag na kapasidad, nakapagpadala pa ng suplay ng kuryente mula Luzon papuntang Visayas upang makatulong sa pagpapatatag ng suplay sa rehiyon.

Sinabi rin ng NGCP na normal ang operasyon ng Visayas at Mindanao grids sa kasalukuyan.

Dagdag pa ng grid operator, inaasahang mananatiling matatag ang suplay ng kuryente ngayong weekend kung walang biglaang pagtaas ng demand o hindi planadong aberya sa mga power facility. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here