Home ENTERTAINMENT Yen Durano, napaiyak sa mediacon!

Yen Durano, napaiyak sa mediacon!

Manila, Philippines- Hindi napigilan ng Vivamax sex siren na si Yen Durano na mapahagulgol sa mediacon ng biggest budgeted and grandest movie ng nasabing streaming app, ang Eks, under the direction of Roman Perez Jr.

Si Yen ay anak ng character actor na si DJ Durano.

“Sorry kasi emotional lang talaga ako, iyakin lang, naniniwala kasi ako sa sarili ko and thankful ako dahil naniniwala rin sila sa akin, and hindi biro ang ini-invest nila sa akin.

“Minsan hindi ako naniniwala na magaling ba tlaaga alo but at the end of the day, ayun, naniniwala sila sa akin,” ang madadaming sabi ni Yen.

Lalong naging emosyunal ang ambience ng mediacon ng sinabi ni Direk Roman na si Yen ang susunod na Vivamax Queen gaya ng nangyari kina AJ Raval, Angeli Khang at Azi Acosta.

“Next queen ng Vivamax, siyempre kinikilig ako. Alam ko na may bilib sa akin si Direk, ang dami kong reassurance na nakukuha kay direk Roman.

“I really reapect Direk for his work.

“Thank you direk for always pushing me and believing in me and grateful ako sa opportunity na ito,” sabi pa ni Yen.

Dagdag pa ni Yen, “Someday, I gonna get there sa dream ko na yun. Hindi naman ako nagbi-Vivamax lang.”

Ang pelikulang Eks ang sinasabing biggest budgeted movie na inilaban sa theatrical release under PG13 rating but Vivamax settled for the streaming app para raw mas lalong ma-improve ang development ng erotic genre.

Ang Eks ay isang trilogy kung saan gumanap sa iba’t-ibang character si Yen.

“Naka-relate ako sa lahat ng character. Very raw ang emotions.

“Nu’ng pinitch pa lang sa akin, iniisip ko kung gagawin ko ba to but during sa shooting, I was happy so I know na tama ang choice ko,” sabi pa niya.

Sa ngayon ay single si Yen at binanggit niya ang mga katangian ng isang lalaking hinahanap niya para maging jowa.

“I want someone who is a provider, hindi lang looks. I need someone who is kind to everyone not only sa akin, someone na may words of affirmation, someone who gives me their time,” pagayag pa ni Yen.

Lastly, may iniwan pang words of wisdom si Yen sa audience ng mediacon.

“Be kind to yourself kasi pag gising mo sa umaga, sarili mo lang ang kasama mo, so ayun,” sabi pa niya.

Kasama rin sa pelikulang Eks sina Albie Casino, Felix Roco, Itan Magnaye at Audrey Avila.

Streaming na soon sa Vivamax. JP Ignacio

Previous articleALAMIN: Mga kalsadang apektado ng MMDA road repairs, reblocking sa March 1-4
Next article‘Permit’ sa pangingisda ng mga Pinoy sa Scarborough Shoal pinabulaanan ng PCG