Manila, Philippines — Petmalu ang taglay na alindog ng sexy actress na si Zel Fernandez.
Ang talent na ito ni Jojo Veloso ay patok ang kombinasyon ng beauty at kaseksihan.
Walang keber ang dalaga kung bansagan man siyang hubadera sa pelikula dahil aminadong bahagi ito ng kanyang trabaho bilang aktres.
Saad ni Zel, “Sa pagiging hubadera o sexy actress ko, compliment po iyon for me, if ever na babansagan ako ng ganoon. Kasi iyon naman po talaga mostly ang mga role na ginagampanan ko sa mga movie ko, iyon naman po talaga ang nakikita sa akin.”
Dahil sa taglay niyang pampagana at pampa-init, hindi maiiwasang pagpantasyahan siya ng maraming kalahi ni Adan.
Sa tingin ba niya, marami na siyang ‘pinatangkad’ na boys dahil sa kanyang mga sexy movies?
“Sa tingin ko po, dumarami na talaga sila at dadami pa lalo kapag may lead movie na ako, hahaha!” nakatawang sambit niya.
Marami na rin pala siyang mga nagawang pelikula, lalo na ang mga pampainit sa VMX app.
Wika ni Zel, “Sa VMX, five na po, kabilang po yung ‘Abot Langit’ na kapapalabas lang. May isa na sa sinehan ipinalabas — yung horror na titled ‘Isolated.’ Bale nasa Netflix pa rin po now, at may isang movie din po ako before na ang title ay ‘Ari & Janna.’
“Makikita n’yo rin po ako sa music video ng Ex-Battalion na ‘Make Her Dance.’”
Nagkuwento rin si Zel sa pelikulang tinatampukan nila nina Aliya Raymundo, JC Tan, Jio Yoshida, at iba pa.
Aniya, “Sa movie, ako po si Pia kasama nila Vanne (Aliya), na flight attendant trainee. May love scene po kami ni Patrick dito, BF ni Vanne si Patrick… and based po sa mga nare-receive kong messages and comments, the best daw yung scene ko here kasi ginaganahan daw po sila sa bembang, hahaha!”
Dagdag pa niya, “First movie ko po ito sa VMX as supporting lead, kasi yung iba hindi naman siya considered as own movie ko. Supporting lead nga lang po ako here sa ‘Abot Langit,’ kaya sana soon panay lead na, kasi yun din naman ang request ng mga supporters ko.”
So, ito ang hottest at most daring movie niya?
“As of now, yes po, hahaha!” nakatawang sagot pa ni Zel. Nonie Nicasio