Home NATIONWIDE 39 patay sa hagupit ng ulan sa southern Brazil; 70 nawawala

39 patay sa hagupit ng ulan sa southern Brazil; 70 nawawala

MANILA, Philippines- Patay sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa southernmost state ng Brazil na Rio Grande do Sul ang 39 indibidwal, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Biyernes, kung saan inaasahang tataas ang death toll dahil marami pang indibidwal ang nawawala.

Sinabi ng defense authority ng Rio Grande do Sul na 68 indibidwal ang nawawala at hindi bababa sa 24,000 ang inilikas dahil sa epekto ng malakas na pag-ulan sa mahigit kalahati ng 497 lungsod sa estado, na nagsisilbing border ng Uruguay at Argentina.

“These numbers can still materially change over the following days as we gain access to more regions,” pahayag ni Rio Grande do Sul Governor Eduardo Leite.

Sa ilang bayan, tila naging ilog na ang ilang kalsada, habang nawasak naman maging mga tulay. Nagdulot din ang masamang panahon ng landslides at bahagyang pagguho ng dam structure sa isang maliit na hydroelectric power plant. RNT/SA