Home NATIONWIDE Australyanong pedophile hinarang sa NAIA

Australyanong pedophile hinarang sa NAIA

MANILA, Philippines – HINARANG at pinagbawalan makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian-American national na wanted ng mga awtoridad ng US dahil sa iba’t ibang sex offense.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dayuhan na isang 54-anyos na si Robert David Fenton na sumakay ng flight papuntang Los Angeles noong Abril 23 matapos harangin ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid sa BI na tinangka ni Fenton na pumasok sa bansa noong Abril 14 nang dumating siya sa Brisbane, Australia.

Sinabi ni Tansingco na agad pinatalsik ng bansa si Fenton matapos matapos lumabas ang kanyang pangalan sa positive hit ng Interpol derogatory system na nagsasaad na siya ay napapailalim sa isang red notice na pinaghahanap dahil sa sex crimes sa US.

Agad itong binigyan ng exclusion order ng BI personnel on-duty at inilagay sa immigration blacklist dahil sa pagiging undesirable alien.

Ayon kay BI-Interpol unit acting chief Jaime Bustamante, wanted si Fenton para sa prosecution sa US sa kasong aggravated indecent assault laban sa isang biktima na wala pang 16 taong gulang.

Napag-alaman na kinasuhan din ito ng corruption of minors at indecent assault, involuntary deviate sexual intercourse, at statutory sexual assault laban sa isang taong wala pang 16 taong gulang.

Bilang bahagi ng kampanyang #Shieldkids ng BI, nakikipag-ugnayan ang BI sa mga internasyonal na katapat upang hadlangan ang pagpasok ng mga foreign sex offenders.

“We are determined to ban the entry of these unwanted aliens as their presence here poses a serious risk to our women and children,” ayon sa BI chief. JAY Reyes