Home ENTERTAINMENT BINI Colet, ipinagtanggol ng mga fans sa basher

BINI Colet, ipinagtanggol ng mga fans sa basher

MANILA, Philippines – To the rescue ang BLOOMS para sa BINI member na si Colet matapos na mag-viral ang isang post sa X ng basher nito!

Sa naturang post sa X, pinuna ng isang user ang post ni BINI Colet sa pagtatanong out of curiosity kung saan umano nakukuha ng mga fans ang mga old photos nito.

To give a background, uso kasi ang throwback ng mga old photos ng BINI members lalo na ang mga kuha noong sila ay bata pa.

Sa X post, pinuna nito ang pang-aaway umano ni Colet sa mga supporters dahil sa mga childhood pics.

Sinabi pa nito na, “Ayaw mo pala mastalk at makita digital footprints mo, nagpafamous ka pa.”

Nadamay pa sa naturang post si Alice Guo na wala umanong makitang childhood o old pictures.

Rumesbak tuloy dito si BINI Colet. “Ewan ko sayo @user sarap mong ikiss.”

“ikiskis sa pader,” pagpapatuloy nito.

Ayon sa mga fans, hindi dapat minasama ang post ni Colet dahil out of curiosity lamang ang pagtatanong ito patungkol sa mga nahahanap na lumang pictures ng kanyang mga fans.

Samantala, siksik ang schedule ng BINI for the rest of the week dahil inaasahan ang guesting ng BINI sa Pride event sa Quezon City Circle sa Sabado, June 22, at sa BINI Run sa June 23. RNT/JGC