Home METRO Kasintahan pinatay muna ng kelot bago magpatiwakal

Kasintahan pinatay muna ng kelot bago magpatiwakal

LUCENA CITY- Binaril ng isang lalaki ang kanyang sarili kasunod ng pagbaril din nito sa kanyang umano’y kasintahan nitong Miyerkules sa bayan ng Lemery sa Batangas.

Iniulat ng Region 4A police nitong Huwebes na alas-9:20 ng umaga, binaril ni “Edgar,” gamit ang caliber .9-mm pistol, si Menene Liwag, na nagtitinda sa Barangay Maguihan.

Matapos ang pamamaril, nagpatiwakal ito gamit ang parehong armas, base sa mga awtoridad.

Dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na medical facility subalit idineklarang dead on arrival.

Base sa ulat, magkasintahan sina Edgar at Menene.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa insidente. RNT/SA