Home METRO Paslit na nagulungan ng van patay!

Paslit na nagulungan ng van patay!

MANILA, Philippines- Labis ang panlulumo ng magulang ng isang tatlong taong gulang na lalaki matapos mabangga at magulongan ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Manila nitong Miyerkules, Hunyo 19.

Isinugod pa sa Ospital ng Tondo ang biktima, residente ng Tondo, Manila at sinubukang i-revive ng mga doktor ngunit binawian din ng buhay makalipas ng ilang oras.

Sa ulat mula sa tanggapan ng MPD-Traffic Enforcement Unit, binabagtas ng isang itim na van na may plakang PLI 520 ang kahabaan ng westward ng Solis St. nang pagsapit sa kanto ng Bugallion Street ay biglang tumawid ang bata dahilan para mabangga at magulungan ito ng van.

Ayon sa driver ng van, hindi niya napansin ang bata habang patawid sa kabilang kalsada.

Naharang naman ng mga tao sa barangay ang van at isinuko naman ng driver ang kanyang lisensya na tila nabigla rin sa pangyayari.

Labis ang paghihingpis ng magulang ng biktima lalo pa’t papasok na sana ang kanilang anak sa nursery sa susunod na buwan.

Punong-puno rin umano ng pangarap ang bata na nais na ring mag-aral ngunit ayon sa ama nito, hinding na ito mangayayari pa dahil patay na ang kanyang anak.

Nakikipag-areglo na rin umano ang kompanyang pinapasukan ng driver sa magulang ng biktima ngunit duda sila sa kondisyon na gustong mangyari ng kompanya.

Dahil dito, pursigido ang pamilya ng biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa driver ng van. Jocelyn Tabangcura-Domenden