Home NATIONWIDE DBM nagbabala sa publiko vs scammers na nag-aalok ng proyekto palit-pera

DBM nagbabala sa publiko vs scammers na nag-aalok ng proyekto palit-pera

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko na mag-ingat sa mga scammer na nagpapanggap na konektado sa departamento at nag-aalok ng government contracts kapalit ng malaking halaga.

Nagpalabas ng babala ang DBM matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong di umano’y scammers sa isang entrapment operation nito lamang nakaraang buwan.

Ang walong indibiduwal ay sinasabing di umano’y bahagi ng scam na nangagako sa mga contractor ng bilyong piso na halaga ng government projects kapalit ng P500,000 bribe o suhol.

Ang scam ay natuklasan matapos na ang isang potential victim ay nag-check sa DBM at natuklasan na ang sinasabing budget na iniaalok sa kasunduan ay hindi konektado sa departamento at ang proyekto na iniaalok ay hindi naman nage- exist.

“Mariin po nating kinokondena ang ganitong klaseng gawain. Kapag may mga ganitong klase ng tao na lumapit sa inyo at sasabihing kaya nilang magpalabas ng pondo mula sa DBM, i-report po ninyo kaagad sa kinauukulan”, ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman.

“Authorities will file complaints of Estafa and of Usurupation of Authority against the eight suspects,” ayon naman sa departamento.

Maaari namang magpadala ang publiko ng report o reklamo sa DBM public assistance office ([email protected]); sa 8657-3300 local 2524 hotline, at sa pamamagitan ng Usapang Budget Natin Facebook page.

Maaari rin ayon sa DBM na direktang ipadala ang reklamo sa NBI sa pamamagitan ng 8523-8231 hanggang 38. Kris Jose