Home METRO DJ sa Cebu tepok sa tingga sa batok

DJ sa Cebu tepok sa tingga sa batok

CEBU CITY – Pinagbabaril sa ulo hanggang sa mapatay ang isang DJ sa isang bar dito.

Base sa ulat na nangyari ang insidente sa General Maxilom Avenue, kung saan saglit na lumabas ang 27-anyos na DJ kasama ang isang katrabaho at dito na dumatingĀ ang isang lalaking nakasuot ng itim at sakay ng motorsiklo.

Pinaputukan ng baril ng suspek sa likod ng ulo ang biktima, na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng salarin at ang motibo nito sa krimen. RNT