Home NATIONWIDE 26 Chinese aircraft, 5 barko namataan sa paligid ng Taiwan

26 Chinese aircraft, 5 barko namataan sa paligid ng Taiwan

TAIWAN – Nakapagtala ang defense ministry ng Taiwan nitong Biyernes, Mayo 3 ng 26 na Chinese aircraft at limang naval vessels sa paligid ng naturang bansa sa loob ng 24 na oras.

Ito ay ilang linggo lamang bago ang May 20 inauguration ni Taiwan president Lai Ching-te, na tinatawag ng China bilang “dangerous separatist.”

Sa pahayag ng defence ministry, sinabi na 17 sa mga eroplano ay “crossed the median line and entered Taiwan’s northern and central ADIZ (air defense identification zone). RNT/JGC