Home METRO HVI timbog sa ₱680K shabu sa Las Piñas

HVI timbog sa ₱680K shabu sa Las Piñas

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit-Southern Police District (DDEU-SPD) sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ng ahensya ng kapulisan ang isang high value individual (HVI) Martes ng hapon (Mayo 14) sa Las Piñas City.

Sa report na natanggap ni SPD Director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete ay kinilala ang inarestong suspek na si alyas Zaldo, 41.

Ayon kay Rosete, si alyas Zaldo ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng DDEU katuwang ang District Intelligence Division (DID-SPD), District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District Office (PDEA-SDO) at ng Las Piñas City Police Sub-station 1 dakong alas-5 ng hapon sa isang Food Park sa Barangay Zapote, Las Piñas City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng suspek ang isang medium size plastic sachet na naglalaman ng 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.

Ang nakumpiskang ilegal na droga ay naiturn-over na sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa qualitative at quantitative analysis habang kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng DDEU ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Acts Law of 2002. James I. Catapusan