Home METRO Kelot sinuwag ng motor, patay!

Kelot sinuwag ng motor, patay!

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang banggain ng isang motor habang papatawid patungo sa bangko sa Brgy. Madhya sa Carmona City, Cavite

Nadala pa pa sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang biktima na si alyas ‘Roger’, nasa hustong subalit idineklarang dead on arrival ito.

Kinilala naman ang suspek na si alyas ‘Darel’.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi nang naganap ang insidente kung saan bumaba ang biktima sa kanyang sasakyan papunta sa Bangko sa kahabaan ng Governor’s Drive, ng nasabing lungsod, subalit ng papatawid na ang biktima ay nahagip ito ng motor na minamaneho ng suspek.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima hanggang sa nawalan ng ito ng malay at tuluyang ng namatay. Margie Bautista